Dumalo si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Inter-Agency Meeting on El Niño Response na ginanap sa Malacañang para talakayin ang mga hakbang sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
Bilang Acting National President ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ibinahagi ng alkalde ang mga hakbang na maaaring isagawa ng mga LGU para maprotektahan ang kanilang mga nasasakupan laban sa matinding init at iba pang epekto ng El Niño.
Kabilang sa mga mungkahing hakbang ang pagbuo ng Heat Action Team na mangunguna sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa laban sa epekto ng matinding init.
Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng paglalaan ng sapat na pondo para sa mga kaukulang programa at pagtukoy sa mga residenteng higit na nanganganib na maapektuhan ng naturang weather phenomenon.
Kasama ni Mayor Belmonte sa pulong ang mga kalihim ng iba’t ibang kagawaran, mga opisyal ng national government agencies, at mga pinuno ng mga organisasyon ng lokal na pamahalaan.
📸 QC LGU

