Ganap na alas-5 ngayong umaga, November 6, binuksan na sa publiko ang mas maaliwalas na EDSA Busway Guadalupe Station.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay bilang tugon sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking maayos, maaliwalas at kumbinyente ang biyahe ng mga komyuter sa araw-araw.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mas malawak na ang platform para sa mga pasahero ng Guadalupe Station, at mayroon na ring mga upuan, tactile paving, LED information screen at mas malaking covered waiting area para sa mga pasahero.
Nauna na ring tiniyak ni Dizon na bibilisan na ang pag-aayos ng elevators sa istasyon para maging mas accessible sa mga komyuter lalo na sa mga nasa vulnerable sector gaya ng Senior Citizens, Persons With Disabilities (PWDs), buntis, at iba pa.

