Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na gagamitin nito ang lahat ng resources at kagamitan bilang bahagi ng mahigpit na pagbibigay-seguridad para sa nalalapit at inaabangang 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ipatutupad nila ang komprehensibong hakbang sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng buong pagtitipon.
Dagdag pa niya, nakahanda rin silang magdeklara ng nararapat na alert status kung kinakailangan depende sa magiging sitwasyon habang papalapit ang mga petsa ng pagpupulong.
Inaasahang dadalo sa nasabing mga high-stakes regional meeting ang iba’t ibang lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa, kabilang na si US President Donald Trump, simula sa Nobyembre 16.
Sa kasalukuyan, nilinaw ni Nartatez na wala silang namo-monitor na malaking banta at mababa o *ow-level threat lamang ang nakikita ng kanilang hanay.
Gayunpaman, nananatiling naka-alerto at handa ang buong kapulisan katuwang ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan para sa mga opisyal na darating sa bansa.