Inihahanda ng Department of Energy (DOE) ang karagdagang battery storage facilities at 273 megawatts ng power barges para maprotektahan ang suplay ng kuryente mula sa epekto ng El Niño, partikular sa Visayas.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ilang buwan itong pinaghahandaan sa gitna ng inaasahang dry conditions na maaaring makapagbawas ng hydropower generation habang tumataas ang demand sa kuryente dahil sa matinding init.
Sa Visayas, nakikitang bababa sa 60% ang hydropower output dahil sa mababang water availability habang tinatayang 20% ang posibleng ibaba ng solar generation.
Bilang tugon, nakikipag-ugnayan ang DOE sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Energy Regulatory Commission (ERC), at project developers para magdagdag ng battery energy storage systems sa buong rehiyon. Target makumpleto ang mga pasilidad sa unang bahagi ng 2027.
Bukod dito, magde-deploy din ng 273 megawatts ng power barges malapit sa island communities.