Iginiit ng Department of Energy (DOE) na palaging nasa konsiderasyon nila sa paglalabas ng presyuhan ng langis ang mga konsyumer.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bagamat prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga konsyumer at iba pang stakeholder ay dapat pa rin nilang balansehin ang paglalabas ng mga desisyon sa presyuhan ng petrolyo upang hindi rin naman malugi at madehado ang mga kumpanya ng langis.
Aminado rin si Garin na sa ngayon ay wala pang full supervision ang pamahalaan sa presyuhan ng langis ngunit nagiging maayos naman ngayon ang pag-monitor nila sa galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo.