Tiniyak mismo ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na walang sinomang sasantuhin ang administrasyong Marcos, kaalyado man ito, kaibigan o kamag-anak pagdating sa pagpapanagot sa mga ma-anomalyang proyekto partikular ang iskandalo sa flood control projects.
Ani Dizon, tuloy-tuloy na ang gagawing panlalambat ng pamahalaan sa malalaking isdang direktang sangkot sa anomalya sa flood control.
Hirit pa ng kalihim na oras na mag-file na ng kaso ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman ay tiyak na matibay na ang hawak na ebidensiya ng mga ito kontra sa mga sangkot sa FCP anomaly. | ulat ni Eph Gaytos