Target ng Department of Energy (DOE) na patagalin ng 60-days ang Strategic Petroleum Reserve ng Pilipinas.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sa ngayon ay mayroon nang 30-days strategic reserve ang bansa na karamihan ay nasa pribadong sektor ngunit nais pang itulak ng pamahalaan na doblehin ito.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang palakihin pa ang petroleum storage capacity ng bansa upang maisakatuparan ang target na ito sa hinaharap. | ulat ni Ephraim Gaytos