Bahagyang bumaba ang halaga ng piso kontra dolyar kahapon, June 3, 2026.
Base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang website, nagsarado kahapon ang palitan ng piso kontra dolyar sa ₱61.745. Mas mahina ito ng ₱0.07 kumpara noong Martes na nasa ₱61.675 ang palitan.
Isa naman sa nakikitang dahilan ng paghina ng piso ay ang sigalot pa rin sa Middle East sa pagitan ng US at Iran. | ulat ni Louisa Erispe