Parehong tumaas ang kamalayan at pagsidhi ng damdamin ng mga Pilipinong ipagtanggol ang mga nasasakupan ng bansa partikular sa usapin sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng programang BOSES, ipinaliwanag ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na napakalaki ng tinalon ng bilang ng mga Pilipinong may kaalaman sa isyu sa West Philippine Sea.
Kapansin-pansin din na bukod sa pagsusulong ng diplomasya sa usapin ng West Philippine Sea, tumaas din ang pagnanais ng mga Pilipinong paigtingin pa ang pagpa-patrolya ng pamahalaan sa mga nasasakupang teritoryo ng bansa.
Sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA, pumalo sa 72% ang awareness rating ng mga Pilipino sa West Philippine Sea habang 69% ng mga Pinoy ang nagsabing dapat paigtingin ang hakbang ng pamahalaan upang depensahan ang soberanya at nasasakupan ng Pilipinas.