Iginiit ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President na siya ang tatayong presiding officer ng impeachment court.
Ito ay dahil itinuturing at naninindigan ang bagong majority bloc na bakante pa rin ang Senate presidency at si Gatchalian ang tumatayong acting Senate President bilang nahalal na Senate President Pro Tempore.
Sa sesyon noong Miyerkules (June 3) una nang inaprubahan ang Senate Resolution 430 na nag-aamyenda sa rules of procedure ng impeachment court.
Sa amendment, tinatalaga pa rin ang Senate President bilang presiding officer maliban na lang kung ang majority ng mga senador na present ay maghahalal ng ibang senador bilang presiding officer.
Ang amyendang ito ay aprubado ng 12 na senado na present sa sesyon.
Sinabi ni Gatchalian na sapat na ang pag-apruba ng rule na ito sa sesyon at hindi na kailangan pang aprubahan ng Senado bilang impeachment court.
Sa pagbubukas din aniya ng Senate impeachment court siya manunumpa bilang presiding officer.