Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng Social Media.
Ayon sa CICC nakamonitor sila sa ilang diskusyon at aktibidad ng grupo online na nag uudyok na magsagawa ng kilos protesta matapos ang pagbabago ng liderato sa Senado.
Kasabay nito pinag-iingat din nila ang publiko sa mga impormasyon online na mapanlinlang na layung lituhin ang mga tao at lumala ang isyu sa pulitika.
Ayon kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang ‘cyberspace’ o pag gamit ng mga online platform ay hindi lamang paraan upang ilahad ang opinyon ng bawat isa kundi dapat tiyakin na maging responsable at siguruhin na tama ang mga impormasyon. | ulat ni DK Zarate