Screenshot
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na agarang ayusin at patatagin ang supply ng kuryente sa bansa, lalo na sa Luzon at Visayas, upang maiwasan ang mga aberya at kakulangan sa enerhiya.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, malinaw ang direktiba ng Pangulo sa mga opisyal ng DOE na ibalik sa normal ang operasyon at sitwasyon ng power grids sa lalong madaling panahon.
Tinalakay rin aniya sa pulong ang sitwasyon ng supply ng kuryente sa Catanduanes at ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa sapat na imbakan ng enerhiya.
“At napag-usapan din ang Catanduanes power situation and stock filling project. So, maraming ipinag-utos ang Pangulo,” —Castro.
Kabilang sa mga ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente upang madagdagan ang produksyon ng enerhiya, pagpapalawak ng transmission network, at pagresolba sa mga problemang nagpapabagal sa konstruksyon ng submarine cables at transmission lines.
“Marami pang ibinilin ang Pangulo. Dapat ang ERC (Energy Regulatory Commission) ay mag-conduct ng performance review of the NGCP and ensure that it completes all its deliverables,” —Castro. | ulat ni Racquel Bayan