Photo by DTI
Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” o school supplies price guide para sa School Year 2026–2027.
Ito’y upang tulungan ang mga mamimili na magkumpara ng presyo habang naghahanda ang mga pamilya para sa pagbubukas ng klase.
Ayon sa DTI, layunin ng price guide na magbigay ng gabay sa karaniwang binibiling gamit sa eskwela tulad ng notebooks, papel, lapis, ballpen, krayola, pambura, pantasa, at ruler.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga mamimili na maingat na suriin ang mga label at detalye ng produkto upang makasiguro na ang bibilhin ay ligtas at akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral.