Nilinaw ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan na tanging mga pulis na mga nasasangkot lamang sa mga isyung nag-viral ang kanilang inihaharap sa media.
Sa press conference sa Kapihan ng Samahang Plaridel, iginiit ni Calinisan na kailangan ito upang malaman ng taumbayan na umaaksyon ang gobyerno, at para maibalik din ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Kaugnay ito sa ginagawang pagprisinta sa media ni Calinisan sa mga pulis na nasasangkot sa mga viral video online, kung saan isang pulis ang pumalag at tinawag siyang nagpapa-pogi lamang sa media.