Nakikita ang malaking naitutulong ng pag-migrate ng mga Pilipino sa ibang bansa at hindi maituturing na kawalan para sa bansa.
Ayon kay Commission on Filipino Overseas (CFO) Secretary Dante “Klink” Ang II, ang pagma-migrate ay hindi isang pagkawala para sa bansa kung hindi isang mahalagang bahagi ng pag-unlad.
Giit ni Ang, noong 2000 hanggang 2006, ang mataas na demand para sa mga nurse sa ibang bansa ay nag-udyok sa mas maraming Pilipino na kumuha ng kursong Nursing.
Dahil dito, mas dumami ang mga nagtapos na nurse kaysa sa mga umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. | ulat ni Zef Bosongan