Hindi magsusumite ng reply ang House prosecution panel upang sagutin ang isinagawang tugon ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Senate Impeachment Court.
Noong June 1, nagsumite ang kampo ni VP Sara kaugnay ng inihaing Articles of Impeachment ng Kamara.
Ayon kay lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, nagsumite na lamang sila ng manifestation upang ipaliwanag kung bakit hindi nila sinagot ang mga pahayag ng pangalawang pangulo.
Paliwanag ng prosecution team, hindi naman pinabulaanan ni VP Sara ang mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.
Nauna nang sinabi ni House prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na ang isinumiteng reply ni Duterte ay hindi tumugon sa mga nakasaad na alegasyon sa impeachment case, at inulit lamang niya ang kanyang isinumite noong pagdinig ng House Committee on Justice. | ulat ni Melany Valdoz Reyes