Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibabatay nito ang mga susunod na monetary policy decision sa inflation data bilang gabay sa nakatakdang pulong ngayong buwan ng Hunyo.
Ito ang pahayag ng BSP kasunod ng naitalang 6.8 percent na inflation noong May, mula sa 7.2 percent na inflation noong April.
Ayon sa BSP, ang inflation noong May ay mas mababa rin kaysa sa inaasahan ng merkado at sa forecast range ng BSP na nasa pagitan ng 7.1 hanggang 7.9 percent.
Ayon pa sa BSP, nakatulong sa pagbagal ng inflation ang pagbaba ng gastos sa transportasyon dahil sa unti-unting pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Nakatulong din ang mas murang presyo ng ilang pangunahing pagkain, lalo na ang bigas.
Muling susuriin ng BSP ang kalagayan ng ekonomiya gamit ang pinakabagong datos, kabilang ang Consumer Price Index (CPI) para sa Mayo 2026, first-quarter GDP growth, at macroeconomic outlook na maaaring makaapekto sa inflation at paglago ng ekonomiya. Gayunman, sinabi ng BSP na patuloy nitong babantayan ang mabilis na pagbabago ng sitwasyon sa Middle East dahil maaari itong makaapekto sa presyo ng langis at iba pang mahahalagang produkto.