Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, naghatid ng libreng serbisyong medikal ang Department of Health (DOH) katuwang ang Manila Health Department para sa tinatayang halos 500 benepisyaryo.
Kabilang sa mga lumahok sa programang Klinikalayaan 2026 ang DOH-Quezon Memorial Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, DOH-National Children’s Hospital, at Philippine Orthopedic Center.
Nagbigay ang mga ito ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan tulad ng medical check-up, dental cleaning at bunot ng ngipin, pamamahagi ng gamot para sa ubo, sipon, lagnat at maintenance medicines, gayundin ng bakuna laban sa tigdas at rubella.
Nagsagawa rin ng chest x-ray para sa mga nangangailangan. Kasama rin sa programa ang on-site PhilHealth YAKAP at GAMOT registration upang mas mapadali ang pag-access ng publiko sa mga serbisyong pangkalusugan.
📸 DOH