Mahigpit munang ipinagbabawal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat o pantubig sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ito ay kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa kautusang inilabas ng The Coast Guard District Southeastern Mindanao, sakop ng suspensyon ang lahat ng uri ng bangkang pangisda, mga pampasahero at commercial watercraft.
Mananatili ang suspensyon hanggat hindi pa sinasabi ng PCG na ligtas na sa katubigan.
Ito ay bilang bahagi ng pag-iingat at para na rin sa kaligtasan ng publiko lalo pa’t may inaasahan pang aftershock kasunod ng malakas na lindol.