DPWH Sec. Dizon agad pumunta sa Mindanao para magsagawa ng assessment sa public infra kasunod ng magnitude 7.8 na lindol
Agad kumilos ang Department of public works and Highways (DPWH) kasunod ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kaninang umaga.
Ayon sa DPWH PIO, papunta na sa General Santos Mindanao si DPWH Secretary Vince Dizon kasama ang kanilang team.
Ito ay para magsagawa ng on-ground assessment sa public infrastructure sa mga apektadong lugar.
Layun nito na matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at matiyak na makakarating ng mabilis ang mga tulong tulad ng mga emergency situation.
Kabilang sa susuriin ang mga tulay kung saan may napaulat na gumuho pero ito ay beniberipika pa ng DPWH.