Screenshot
Nag-aalok na ng libreng rebooking, rerouting, at full ticket refund ang Cebu Pacific Air sa mga pasaherong kanselado ang biyahe ngayong araw dulot ng 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani province.
Sa abiso na nilabas ng airline, para sa rebooking or rerouting, ang bagong flight na pipiliin ay sa loob ng 30 days mula ngayong araw. Sa mga nais naman mag-refund ay may full refund ng ticket at pwede rin na ilalagay sa travel fund sa Cebu Pacific Account.
Para naman mabilis na makapag-refund o rebook may pinadala nang e-mail ang Cebu Pacific sa mga pasahero at maaari ding bisitahin ang website ng Cebu Pacific at i-click ang manage booking.
Sa tala ng CebPac, 11 flights ang apektado ng lindol dahil na rin sa tigil-operasyon ng General Santos Airport kabilang dito ang mga biyaheng Gensan-Cebu, Manila-Gensan at Iloilo-Gensan.