Sinabi ni House Deputy Speaker at La Union Paolo Ortega V na handang tumugon ang Kamara kung magpapaptawag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso para sa isang special session.
Sa panayam, binigyang-diin ni Ortega na palaging inuuna ng Kamara ang paggawa ng batas.
Aniya, malaking bahagi na ng prayoridad na legislative agenda ng administrasyon ang naisakatuparan ng Kamara, kabilang ang mga panukala mula sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Sa katunayan aniya nasa 60-70% ang naipasa ng malaking kapulungan sa LEDAC bills.
Bago ito, nagpahayag na rin si House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro, na handa rin siyang suportahan ang panawagan para sa special session kung ito ay magbibigay daan sa Senado na ayusin ang kanilang sigalot sa liderato.#