Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang mga inisyatiba ng kanyang administrasyon upang lalo pang mapalakas ang sektor ng edukasyon sa bansa.
Sa katunayan ayon sa Pangulo ay nakapaglaan dito ang pamahalaan ng ₱1.3 trillion para magamit sa iba’t ibang kaukulan na ang target ay mapaunlad pa ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan, aniya, ng nasabing pondo ay inaasahang makakapag-recruit pa ng mas maraming pampublikong guro at mapalakas din ang learning recovery sa pagbasa, matematika, at agham.
Magagamit din ang higit isang trilyong pisong pondo, dagdag ng Pangulo, para mapalawak ang school-based feeding programs at makapagtayo ng mas maraming silid-aralan sa buong bansa.