Magpupulong ang mga senador ngayong araw upang talakayin kung paano makakatulong sa mga kababayan sa Mindanao na naapektuhan ng malakas na lindol kaninang umaga.
Ayon kay Senador JV Ejercito, maagang pinutol ang consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee upang bigyang-daan ang pagtalakay sa tulong na ipapadala ng Senado.
Samantala, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na nakipag-ugnayan na ang kanyang opisina sa mga disaster response agencies tulad ng Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga lokal na pamahalaan para makatulong sa evacuation, relief, at emergency
operations. Nanawagan din si Pangilinan na mabigyan ng agarang psychosocial intervention ang mga mag-aaral na na-trauma sa kanilang unang araw ng klase.