Giniit ni National Bureau of Invetigation (NBI) Director Melvin Matibag na hindi maaaring gamitin sa pagsasampa ng kaso ang testimonya ng 18 ex-bodyguards at bagmen ni dating Congressman Zaldy Co ang kanilang testimonya.
Sa consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, sinabi ni Matibag na maraming kaduda-duda at inconsistencies sa testimonya ng labinwalo.
Mahina aniya itong maging batayan ng pagkakaso laban sa mga indibidwal na dinawit nila at binanggit na nahatiran umano ng male-maletang kickback.
Tingin ng NBI, coached o tinuruan ang mga testigong ito sa kanilang salaysay.
Pinunto ni Matibag na 10-20 percent lang sa sinabi ng labinwalo ay base sa kanilang personal knowledge habang ang karamihan ay hearsay lang.
Wala rin aniyang mga dokumento na kalakip ng mga testimonya. | ulat ni Nimfa Asuncion