Panibagong big-time oil price hike ang aasahan ng mga motorista bukas.
Ayon sa Department of Energy (DOE), tataas ng P3.77 hanggang P5.77 kada litro ang presyo ng diesel.
Posible namang tumaas ng P6.10 hanggang P8.10 kada litro ang presyo ng kerosene.
Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring bumaba ng P1.70 o tumaas ng hanggang P0.30 kada litro.
Maaaring magkaiba ang ipatutupad na oil price adjustment ng bawat kumpanya ng langis, ngunit hindi ito dapat lumampas sa itinakdang price adjustment range ng DOE.
Sa ngayon, ang nakaimbak na suplay ng langis sa bansa ay tinatayang sapat para sa 47 araw o mahigit isang buwan. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DOE sa mga kinauukulang sektor upang matiyak na may sapat na suplay ng langis sa bansa.