Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sakripisyo ng mga overseas Filipino worker (OFWs), kasabay ng pagsisiguro ng commitment ng pamahalaan na protektahan ang kapakanan at karapatan ng mga ito.
Sa pagdiriwang ng ika-31 Migrant Workers’ Day, binigyang-pugay ng Pangulo ang sakripisyo, katatagan, at kontribusyon ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa, sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Kinilala rin ng Pangulo ang kabutihan, galing, at tibay ng loob ng mga OFW, sa kabila ng mga personal na hamong kinahaharap ng mga ito.
“Sa inyong pag-alis upang makipagsapalaran sa ibang bansa, nabibigyan ninyo ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga pamilya at ang bansa. Bilang ganti, ang pamahalaan ay muling pinagtitibay ang mga programa na ipaglaban ang mga karapatan ng OFWs, pangalagaan ang kapakanan, at palawakin ang suporta para sa inyo at sa inyong mga pamilya,” pahayag ng Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan