Nakabarikada at bantay sarado pa rin ng mga pulis ang labas ng Senado, ngayong araw.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Anthony Aberin nasa 600 na pulis ang naka-deploy ngayon sa Senado, para siguruhing magiging mapayapa ang lugar kasabay ng isinagawang Blue Ribbon Committee hearing.
Sa ngayon naman aniya bineberipika pa rin ng NCRPO ang impormasyon na may manggugulo umano na mga grupo sa labas ng Senado.
Pero base sa kanilang monitoring walang namang direktang threat o pagbabanta ngayon sa senado.
Posible namang sa pagsisimula ng impeachment trial magdagdag muli ng naka-deploy na pulis ang NCRPO pati na rin ng nga barikada sa paligid ng Senado.#