Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang situation briefing kaugnay sa 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Base sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Usec. Harold Cabrero, nasa 37 ang naitalang nasawi, 456 ang nasugatan, habang apat ang nawawala.
Nasa 19 ang kalsada at siyam na tulay sa rehiyon ang hindi nadadaanan habang nasa higit 1,800 na bahay ang napinsala.
Nasa 47 major infra naman ang napinsala.
Habang nasa 44 na evacuation center ang kasalukuyang kumukupkop sa mga biktima ng lindol na nawalan ng tirahan.
Present sa pulong sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr., Health Secretary Ted Herbosa, OCD Usec Harold Cabreros, at local officials on the ground.