Bahagyang bumaba sa 7.4% ang inflation rate sa Bicol Region nitong May 2026 mula sa 7.6% na naitala noong April 2026, batay sa ulat ng PSA Bicol.
Ayon sa ahensya, nakaambag sa pagbagal ng inflation ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas at other fuels, gayundin ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Gayunman, nananatiling pangunahing salik sa mataas na inflation rate ang pagtaas ng presyo ng cereals tulad ng bigas, isda at seafood, mga prutas, LPG, renta sa bahay, at transportasyon kabilang ang pamasahe.
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang inflation rate sa clothing and footwear, routine household maintenance, at information and communications technology gaya ng gadgets.
Samantala, pinakamabagal ang naitalang inflation rate sa asukal na nasa negative 2.1%.
Naitala naman ng Camarines Norte ang pinakamataas na inflation rate sa rehiyon na nasa 7.5%, habang ang Albay at Catanduanes ang may pinakamababang inflation rate na kapwa nasa 6.0%.