NCRPO, nakahanda na sa paglalatag ng seguridad sa darating na Independence Day sa Biyernes
Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad sa darating na Independence Day Celebration, sa darating na Biyernes.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, handa na ang buong NCRPO sa paglalatag ng seguridad sa buong Metro Manila, at kanilang tinitingnan pa kung gaano karami ang kanilang ipapakalat na police personel kung magkakaroon ng kilos protesta sa ilang pampublikong lugar sa NCR.
Muli namang tiniyak ni Aberin na palaging nakahanda ang kanilang hanay sa ano mang banta sa seguridad sa buong Metro Manila.