Win Gatchalian
Binahagi ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian na nakatanggap sila ng impormasyon na may banta sa seguridad ng Senado.
Ayon kay Gatchalian, sa naging consultative meeting ng Blue Ribbon Committee kahapon, pinaalam sa kanila ni NBI Director Melvin Matibag na may potential threat sa senate building at senate premises.
Kaugnay nito, makikipagpulong siya sa senate executive committee kabilang ang Senate Sargeant at Arms ngayong araw para makapagsagawa ng kinakailangang security adjustment.
Kailangan aniyang seryosohin ang lahat ng impormasyon tungkol sa banta dahil prayoridad nila ang proteksyon ng lahat ng 24 na senador at lahat ng nasa 2,000 na mga kawani ng Senado.
Kaya naman tiniyak ni Gatchalian na sisiguraduhin nilang ligtas at secured ang work environment sa Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion