Tatlong aktibidad na magpapalakas sana ng turismo sa Davao Region nasuspendido at kanselado na dahil sa malakas na lindol noong Lunes.
Sa abiso ng Department of Tourism kasama rito ang Duaw Dabaw: Reyna ng Davao 2026 na gaganapin sana sa Davao City, pati na rin ang mga water activities, eco parks at coastal tourism activites sa Davao Oriental at kahit ang Masbol Festical sa Sarangani Davao Occidental ay apektado rin.
Patuloy nakamonitor ang DOT sa mga tourist workers, turista at mga negosyong apektado ng lindol.
Aktibong nakatutok ang kanilang regional office para sa pagtatala ng mga pinsala ng lindol sa industriya ng turismo sa Mindanao. | ulat ni Louisa Erispe