Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, umabot na sa 47 ang nasawi sa kalamidad.
Naitala rin ang 688 na nasugatan, habang 31 indibidwal ang nawawala.
Nasa 75,324 pamilya mula sa 291 barangay sa Regions 9, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naapektuhan ng lindol.
Sa bilang na ito, 3,515 pamilya ang kasalukuyang tumtuloy sa mga evacuation center.
Nasa 12,641 na mga bahay naman ang napinsala, kabilang ang 2,289 na totally damaged at 10,352 na partially damaged.
Samantala, tinatayang nasa ₱666.5 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Regions 11 at 12.
Patuloy pa rin ang isinasagawang assessment ng mga awtoridad, kabilang ang pagtukoy sa lawak ng pinsala sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Diane Lear