Nagpaabot ng pasasalamat sa Marcos Jr. Administration ang mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao, sa mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa kanilang pangangailangan.
Ayon kay Romeo Padilla Jr., 43 years old mula sa Barangay Lagao, kabilang sila sa mga nakadama ng intensity ng lindol, habang nasa kanilang bahay, kasama ang pamilya.
“Napakalakas po, nakakahilo po ang lakas,” -Padilla.
Laking pasasalamat nito at nanatiling matatag ang kanilan bahay.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa GenSan, sinabi ni Padilla na malaking bagay ang mabilis na pagkilos ng gobyeryo para sa kanilang pangangailangan, lalo na ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng pamahalaan, na bawas aniya sa alalalahanin sa kanilang mga gastos.
“Una po sa lahat, nagpapasalamat kaming lahat kay Presidente Marcos… Malaking bagay po itong tulong sa amin, sa mga bilihin at panggastos sa amin.” -Padilla.
Ang 20-year-old service crew naman na si Justine Respecia, mula sa Barangay Bula, sinabing nagsilbi na lifeline ang ipinagkakaloob na tulong ng gobyerno, lalo’t maraming trabaho at negosyo sa lugar ang hindi pa makabalik operasyon, dahil sa lindol.
“Malaking tulong siya, especially sa mga walang trabaho,” -Respecia.
Ang pamilya ni Respecia, isa lamang sa mga nakatanggap ng inisyal na P5,000 assistance mula sa pamahalaan.
Kung matatandaan, una nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtuloy na suporta ng administrasyon sa mga rehabilitasyon at recovery ng mga komunidad na apektado ng malakas na lindol na yumanig sa Mindanao. | ulat ni Racquel Bayan