Lumagda ng kasunduan ang Overseas Workers Welfare Administration OWWA at Professional & Responsible International Migration Engagement (PRIME) para sa patuloy na pagpapalawak ng mga programa at kapakanan ng ating mga Kababayang OFWs.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreements ay magsisilbing bahagi ito ng Corporate Social Responsibility (CSR) initiative ng mga kasaping institusyon ng PRIME ang pagbibigay ng educational support at iba pang learning opportunities para sa mga OFWs at kanilang mga qualified dependents.
Kabilang dito ang paghahanda para sa professional licensure examinations, skills development initiatives, scholarship assistance, at iba pang programang makatutulong sa kanilang career advancement at pangmatagalang pag-unlad.
Sa pamamagitan ng ugnayang ito, mas maraming oportunidad ang mabubuksan upang masuportahan ang pangmatagalang pag-unlad, employability, at matagumpay na reintegration ng ating mga OFWs at kanilang pamilya. | ulat ni Aj Ignacio