Nanawagan si Senadora Imee Marcos na isantabi na muna ang mga bangayan sa pulitika at mga personal na interes at magbayanihan sa pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Senadora Imee, dapat magtulong tulong ang lahat para masolusyunan ang mga problema ng bansa.
Nagpadala na ng tulong ang opisina ng senadora asa mga apketadong residente sa General Santos City nitong miyerkules, partikular sa Avrby City Heights sa P.I Village pati na sa General Santos Central Command.
Doon ay namahagi ang tanggapan ng senadora ng 3,500 na pirsal ng nutribuns at 3,000 pirasong bote ng tubig para sa mga pamilyang naapektuhan gn pagyanig.
Namahagi rin sila ng mga yero o GI sheets.
Giit ni Senadora Imee, mahalaga ang mabilis na aksyon, gaya ng pagbibigay ng tubig at pagkain na unang kailangan ng bawat pamilya.
Kailangan aniyang gawin ang lahat para matulungang makaahon ang mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na lindol. | ulat ni Nimfa Asuncion