Dating service crew sa isang cruise ship, napanalunan ang LIKHAng MARINO 2025 at nag-uwi ng anim na raang libong piso (P600,000).
Nasungkit ni Kenneth Kier C. Fernando ang grand prize ng LIKHAng MARINO 2025 dahil sa kanyang natatanging business plan na kauna-unahang Organic Salon sa Nueva Ecija na tinawag niyang Kashmire Magical Touch Salon by LIKHAng MARINO.
Gamit ang henna powder mula sa Middle East, nakilala ang salon ni Kenneth sa Nueva Ecija at siya ring ginamit nitong entry sa LIKHAng MARINO business plan competition.
Sa ngayon,balak ni Kenneth na manatili nang permanente sa Pilipinas at may plano pang mag-expand ng kanyang salon business.
Hinikayat din nito ang iba pang Filipino seafarers na sumalo sa LIKHAng MARINO Business Plan Competition para sa taong 2026.