Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) para sa isang relief operation sa ilalim ng programang “Oplan Tulong Mindanao.”
Layon nitong agad na tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.
Bunga rin ito ng sama-samang pagsisikap at boluntaryong kontribusyon ng mga opisyal at kawani ng LTO Central Office.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, mahalagang maiparamdam sa mga biktima ng lindol na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa pagsubok na dulot ng sakuna.
Ang mga ipapamahaging food packs ay naglalaman ng mga pangunahing pagkain at iba pang mahahalagang relief items para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
Bukod sa relief goods, patuloy ding nakikipag-ugnayan ang LTO sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno para matiyak na makarating ang tulong sa mga komunidad na higit na nangangailangan.
📸 LTO


