Hindi magpapatinag si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos patawan ng sanctions ng China.
Sa isang pahayag, sinabi ni Teodoro na karapatan ng China ang magpataw ng naturang hakbang, ngunit iginiit niyang hindi siya titigil sa pagtupad sa kanyang tungkulin at pagtatanggol sa bansa.
Ayon kay Teodoro, ganon talaga ang ginagawa ng China kapag nagsasabi ng katotohana sa mga panlilinlang nila.
Dagdag pa niya, mas grabe umano ang nararanasan ng mga mamamayan ng China at iba pang mga lugar na sakop nito.
Iginiit din ng kalihim na patuloy niyang itataguyod ang interes ng Pilipinas at haharapin ang mga “kasamaan” na ginagawa ng China pati na sa ating karagatan.
Nauna nang inanunsyo ng Chinese Ministry of Foreign Affairs ang pagpapataw ng sanctions laban kay Teodoro at sa kanyang pamilya dahil sa mga pahayag nitong itinuturing ng Beijing na nakasasama sa relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga ipinataw na parusa ang pag ban kay Teodoro at sa kanyang pamilya na makapasok sa mainland China, Hong Kong at Macau.