Umabot na sa 133 domestic flights ang tuluyang na kansela sa pagitan ng June 8 hanggang June 14 dahil sa epekto ng magnitude 7.8 na lindiol na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippine o CAAP:
• 79 na flight dito ay sa Philippine Airlines
• 40 sa Pal Express
• at 14 na Cebu Pacific
Partikular na ang flight mula at patungo ng General Santos city na nagtamo ng pinsala ang paliparan at pansamantalang nilimitahan ang operasyon sa government, military, and humanitarian flights.
Kung saan kabilang sa naapektuhang ay ang ilang biyahe patungo at mula sa Cebu, Maynila, at Iloilo. | ulat ni Aj Ignacio