Pinahayag ni U.S. President Donald Trump na mapipirmahan na ang isang kasunduan sa pagitan ng U.S. at Iran ngayong araw na ito ng Linggo.
Ayon sa report mula sa CNN, ang kasunduang ito ay magbibigay daan upang mabuksan muli ang Strait of Hormuz.
Bagamat nagbigay pahiwatig ang Iran na malapit ng mapirmahan ang isang kasunduan, pinabulaanan naman ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na magkakaroon ng pirmahan ngayong Linggo.
Batay pa sa ulat ng CNN, kung matutuloy ang pirmahan para sa isang kasunduan ito ay gagawin sa pamamagitan ng isang virtual signing dahil sa logistical challenges at upang maiwasan ang ano mang maaring pagkabalam ng proseso.
Bahagi ng memorandun of agreement ay pagbibigay daan para sa isang sixty day period ng technical negotiations kasama ang pagtangal ng nuclear program ng Iran at tuluyang pagbubukaa ng Stait of Hormuz.