Bumuo na ang Ateneo de Manila University (ADMU) ng independent fact-finding body upang imbestigahan ang pagkalunod ng kanilang student-athletes.
Sa pulong balitaan, sinabi ni ADMU President Fr. Roberto Yap na ang komite ay binubuo ng mga external legal at technical experts.
Layunin nitong matiyak ang malaya, patas, at walang impluwensyang pagsusuri sa insidente, at makapaglabas ng rekomendasyon para sa mga kinakailangang hakbang.
Nanindigan ang unibersidad na makikipagtulungan ito sa lahat ng imbestigasyon ng mga awtoridad, kasabay ng pagsusulong ng transparency, accountability, at hustisya.
Tiniyak din ni Fr. Yap na magbibigay ang Ateneo ng tulong pinansyal, emotional support, at sasagot sa gastusin kaugnay ng burol at iba pang pangangailangan ng mga naulilang pamilya.
Samantala, kinumpirma ng Ateneo ang pagtanggap sa pagbibitiw ni Head Coach Tab Baldwin ng men’s basketball team, epektibo agad, bilang bahagi ng mas malawak na hakbang para sa integridad ng sports program at safety protocols ng institusyon.