Nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagan pang 38,900 family food packs (FFPs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Isinagawa kagabi ang pag-dispatch ng mga delivery truck mula sa Visayas Disaster Resource Center o VDRC na ihahatid sa iba’t ibang komunidad na tinamaan ng lindol.
5,100 FFPs ang ihahatid sa Mindanao Disaster Response Center (MDRC), 6,800 FFPs naman para sa DSWD Field Office 11 – Davao Region, habang 27,000 FFPs ang nakalaan para sa DSWD Field Office 12 – SOCCSKSARGEN.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng patuloy na augmentation support sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na may sapat na pagkain ang mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.