Walang-patid ang pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga apektado ng malakas na lindol sa Mindanao.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sumampa na sa 219,000 family food packs ang naipamahagi sa mga apektadong lugar ng lindol.
Gayundin, hindi tumitigil ang replenishment ng ahensiya sa mga warehouse ng DSWD na nakapaglabas na ng family food packs at ready-to-eat boxes upang agad na mapunan ang pangangailangan ng mga residente.
Dagdag pa ng opisyal na isang istratehiya na ang kanilang ikinasa upang mabigyan ng prepositioned supplies ang mga geographically isolated na lugar lalo sa panahon ng sakuna.