CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 82?
Naghain si Nueva Vizcaya Lone District Representative Timothy Joseph “Tim” Cayton ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang proteksyon at agarang pagtugon ng pamahalaan para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naaapektuhan ng digmaan, kalamidad, pandemya, at iba pang krisis sa kanilang bansang pinagtatrabahuhan.
Sa ilalim ng House Bill No. 9228 o ang “OFW Crisis Protection and Assistance Act,” itinatakda ang pagbuo ng mas mabilis, organisado, at awtomatikong mekanismo ng ayuda at repatriation upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW sa panahon ng emergency situations.
Ayon kay Rep. Cayton, hindi dapat madagdagan pa ang paghihirap ng mga OFW dahil sa mabagal at komplikadong proseso ng paghingi ng tulong habang sila ay nasa gitna ng panganib.
Kabilang sa mga benepisyong nakapaloob sa panukala ang agarang financial assistance, evacuation at repatriation support, medical at psychosocial services, gayundin ang reintegration assistance para sa mga OFW na maaapektuhan ng krisis.
Binigyang-diin ni Rep. Cayton na nararapat lamang na mapalakas pa ang mga mekanismo ng proteksyon para sa mga modernong bayani na patuloy na nagbibigay ng malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.