Hindi nawawalan ng pag-asa ang isang eksperto na makatutulong ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Russia upang mapagaan pa ang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay UP Institute for Maritime Affairs Director, Atty. Jay Batongbacal bagamat magka-alyansa ang Russia at China ay posible pa ring mapakiusapan ng Pilipinas ang Russia na tapikin ang China upang kahit papaano ay matigil na ang mga ginagawa nitong acts of harassment sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Isa sa mga maaaring gamiting negotiating chips ng Pilipinas ayon kay Batongbacal ang kinahaharap ding territorial dispute ng Russia at China na magiging common ground ng Pilipinas at Russia sa nasabing usapin.
Isa rin itong perpektong lugar para ipakita mismo ni Pangulong Marcos na may isang tindig ang ASEAN pagdating sa isyu ng kapayapaan sa rehiyon.