Anim na kataong nasawi mula sa Davao Occidental sanhi ng malakas na lindol sa Mindanao tatangap ng life insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Ito ang naging pahayag ni PCIC, Corporate and Business Affairs Group Vice President Melba Manalo sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay PCIC Vice President Manalo, ang nasabing mga nasawi ay naka rehistro sa ilalim ng Credit at Life Term Insurance ng PCIC kung saan hahatiin sa anim ang halagang P240,000 insurance coverage.
Patuloy pa ding nag-aantabay ang PCIC ng iba pang nasawi mula sa Region 11, 12 at iba pang apektadong bayan sa Mindanao na maaring sakop ng credit and life term insurance ng ahensya.
Tinataya namang nasa anim na raang milyong piso ang paunang assessment ng PCIC para sa halaga ng insurance payout sa mga nasirang pananim sanhi ng 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao nitong ika walo ng Hunyo.