Photo courtesy of DOH
Magagamit na ng mga pasyente na biktima ng lindol ang itinayong tent hospital sa bayan ng Glan, Sarangani
Ayon sa DOH sa unang batch aabot sa 41 pasyente ang dadalhin at bibigyan ng serbisyong medikal sa tent hospital.
Ang itinayong tent hospital ang susuporta sa Sarangani Provincial Hospital-Glan na naapektuhan din ng malakas na lindol.
Kumpleto rin ang pasilidad ng CRMC-PEMAT kabilang ang operating room, delivery room, x-ray at ultrasound services, mobile clinic, observation ward, at iba pa upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.
Tiniyak din ng medical team ang sapat na suplay ng kuryente at tubig sa pansamantalang ospital.
