Photo courtesy of DSWD
Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga napaulat na nasawi matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon sa OCD, sa bilang na ito, 11 ang napaulat na nasawi sa Region 11, 10 sa Davao Occidental, at isa sa Davao del Sur. Sa Region 12 naman, 33 sa Sarangani at 24 sa South Cotabato.
Nasa 33 naman ang mga nawawala. Sa bilang na ito, 16 ang naitala sa Davao Occidental, 15 sa Sarangani at dalawa sa South Cotabato.
Naitala rin ng OCD ang mahigit 1,300 na kaso ng may sakit at nasugatan sa Region 11, Region 12, at BARMM matapos ang malakas na lindol.
Samantala, umabot na sa 338,000 pamilya o 1.38 milyong indibidwal ang naapektuhan ng lindol. Sa ngayon nasa 4,400 pamilya o 19,700 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Sa kabuuan, nakapagbigay na ang pamahalaan ng mahigit P156 milyon na tulong sa mga apektadong pamilya at P8.1 milyon sa mga lokal na pamahalaan at munisipalidad.